Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 47

PHILIPPINE POLITICS NORM

2013 na kaya panahon na naman ng mid-term elections sa Pilipinas. Yes, hindi lang colleges and universities ang may mga mid-terms nay an at pareho lang silang may examination sa araw na papatak yan. Sa eskwelahan, meron niyan para malaman ng buong faculty at department mo kung may natutunan ka o aksaya ka lang sa sweldo ng magulang mo. Pero sa election mid-terms, magsasama-sama ang sambayanan para bumoto sa kanilang manok para paunlarin ang kanilang lugar o di kaya ay iboto ang pulitikong nanalo sa paramihan ng sardinas at bigas na nabigay + pera giveaways. Malalaman mo lang pagkatapos ng isang taon kung matalino o needs improvement ang mga botente kung nagtra-trabaho si mayor o nasa jueteng shed na naman.

Magsisimula ang buhay ng isang nangangarap maging pulitiko sa handaan months before mag-file ng Certificate of Candidacy. Tatlo lang naman ang uri ng isang tatakbo: dahil may pangalan para ituloy ang dinastiya o di kaya ay matanda na si papa at siya papalit, may prinsipyo at nais baguhin ang masaklap at mapait na buhay ng mga mamamayang Pilipino, at ang huli ay dahil siya ang appointed [insert political eat] ni Papa Jesus o di kaya ay “asawa” ni Kris Aquino. Kadalasan napupunta ang Pilipinas sa unang nabanggit pero siyempre mas masaya ang sambayanang noypi kung panalo ang pangalawa. Ang pangatlo? Magpasakop na lang tayo sa Timor Leste.

Susunod dyan ang pagmumulto. Bagama’t hindi pa buhay ang election period at wala pang start ng pag-file ng COC, makikita muna ang kapit-bahay nyong namimigay ng P200 kasi “mahal ko lahat ng tao sa [insert town or city], malapit nang masirang sardinas at medyo color green na bigas kasi nakikita niyang nagugutom ang mga taumbayan at ang lunas lang dito ay lasunin sila sa pagkain ng sirang pagkain. Syempre pag simula ng COC, mala-fiesta dapat ang entrance sa COMELEC para naman presko ang porma sa mga opisyales. Must have ang mga paid supporters na hindi naman tiyak kung boboto o kilala ang pulitikong kinikilingan. “A kasi Ser libre daw tanghalian kaya nandito ako sa labas ng COMELEC.” Optional ang leather jacket, bagong sapatos, at ray-ban shades na biling Divisoria.

Siyempre signal na sa mga pulitiko na pag-naka-file ng COC ay start nan g campaign period kahit na sa Marso pa dapat ang simula ng pakapalan sa taong-bayan. Nandiyan na ang infomercials para daw matuto ang mga tao, malaman na may ginawa sila, at Makita ng madla ang kanilang plataporma na hindi naman nila nagawa nuong naluklok sila sa pwesto tatlong taon na ang nakakaraan. Pilipinas 2020? Paano ka makaka-siguro na ganyan nga kasariwa ang buhay naming kung hindi ka naman aabot ng 2020 dahil tapos na termino mo at wala kang nagawa nung pina-upo ka ng mga registered at ghost voters? Madali lang mangarap sa bayan pero mahirap maipatupad yan dahil mga lupon kayo ng mga ulupong na ang tataas ng ego kaya ang finale ay 0% performance rating sa (senado,kamara,city hall,capitol).

Pag Gun Ban na ay itatago na ni [insert (dirty,nice) politician] ang baril niya kasi marami namang baril ang kanyang armed personnel kaya hindi na kailangan niya mag-bitbit ng baril. Dadami pa ang mga infomercials, print and radio pagpapahiwatig na maganda boses nya, punyetang stickers sa poste. Seryoso, sinong tao ang lalabas para pumunta sa palanegke para lang tumigil sa poste kasi may nice picture si pulitiko? Eh paano kung 400 na poste pa madaanan nya? Titigil siya? Mapapakain ba nya anak nya? Titigil na ba sa paninigarilyo ang half-syrian kong kaklase? Malamang ni-isa diyan walang mangyayari.

Election campaign na! Mula sa infomercials na “Juan Dela Cruz: Pag-asa ng bayan,” magiging “Juan Dela Cruz for senator: Pag-asa ng bayan.” Talagang sumusunod ang mga pulitiko natin at mala-katolikong approach ang pinapakita nila. Tayo si Hesukristo na pupurihin pero ipapako din sa krus at sila naman ang mga Pontius pilato na hugas-kamay ang ending. Mag Hudas na rin kayo para magbigti kayo sa dulo ng istorya. Traffic na naman kasi araw-araw sila paparada at ang mga pulis ay walang ginagawa kasi 1.) natutulog sila sa pansitan, 2.) may ibang ginagawa, 3.) binayaran, 4.) takot kasi alam nila na yang pulitiko nay an ang future amo nila, at 5.) inuuna ang kapakanan ng society and family para ang lahat happy 

Before mag-election ay merong 2-3 days na bawal mangampanya para naman kalamado ang komunidad bago ang bakbakas sa presintong pang-eleksyon. Pero madalas hindi ito nasusunod lalo na diyan sa Rizal Province dahil yang mga Ynares nay an todo sa pag-dikit ng election posters sa puno at poste kahit bawal na. Hinding-hindi ko makakalimutan yang gabi na yan kasi nakakita din ako ng uod na iba’t ibang colors. Pag election day na, maglalabasan na ang batang may sobre sa labas ng presinto para ibigay sa gutom na botante para ipangbayad in exchange sa iisa nilang boto. Sana ginawa nalang nila ito kesa sa mga infomercials para direct-to-tao ang pangangampanya at Malaki ang assurance na iboboto ka nila. Pero ok na rin yun para mataas ang spending at consumption ng bayan para medyo Malaki ang GDP at ang pag-lago nya at sa pag-lago nito ay may additional research sa economics para aming gawin dahil gusto naming matuto sa economics kasi gwapo ako at walang makaka-higit sa kagwapuhan ko.

(Biro lang ang last part ng last sentence kahit totoo. Biro lang din)

After 1 month ay makikita mo nang nag-wawalis ang mga tao sa nagkalat na pangako ng mga talunang pulitiko

After 3 months ay buhay na buhay ang COMELEC para sa mga motion for recount at reconsideration.

At after 1 year ay makikita mo na ang muka ng pag-sisisi ng mga taong baying nagkamali sa binoto.

(Repeat till fade)

This article is paid for by “Friends of Gonzales”


Image may be NSFW.
Clik here to view.

Viewing all articles
Browse latest Browse all 47

Trending Articles